Thursday, May 23, 2013

On Circumcision and Job Application

Alam mo yung nerbyos na naramdaman mo nung magpapatuli ka pa lang? Ganitong ganito yung pakiramdam habang hinihintay mo ang pagtawag sa pangalan mo ng magiinterview. Parang nagflashback yung summer ng 2002, so mga 11 years ago. Sa libreng tuli lang ako nagpatuli. Hindi ko na maalala kung pang-ilan ako noon sa pila. Basta habang papalapit nang papalapit ang numerong binibilang sa numero ko ay patindi nang patindi ang kaba ko. Para akong mababaliw sa nerbyos noon. Nadama ko ulit siya ngayon kasi hindi ko natapos ang eksamen kanina. Panirang IQ Test yan. Shet, ligwak na yata ako . Lecheng tunog ng patak ng tubig yan! Imbis na pakalmahin ako ay lalo pa yata akong pinapakaba.

Caption: The artificial waterfall at the lobby


Note: These are notes from my iPhone notes. I needed somewhere to write on.

No comments:

Post a Comment