Tuesday, September 27, 2011

My Kacheapan Days

Note: Before proceeding, ihanda ang sarili sa mga kacheapang masasaksihan. Ito dapat yung blog entries ko for Theater 12 last sem. Ngayon ko lang siya nalipat. Ni-require kami magsulat or magdoodle ng kahit na ano tapos ipapass sa prof namin, si Sir Dex. Eto yun. Enchoy!

Gusto kong magsulat ng 3 blog today. Ewan ko kung bakit. Sinisipag lang ako magsulat. Ang dami kong naiisip. So heto na…

November 24, 2010, 10:40pm
Sense-memory
            Nitong last na meeting namin sa Theater 12 pinag-aralan namin ang sense- memory sa acting. Exaggerated pala ang pinapakitang pag-arte sa TV! Tangina. Hindi pala yun ang standard acting. Ang acting sa theater should reflect reality. And this can be done by observing. Pero nadiscuss namin na hindi dapat makatotohanan ang pag-arte, it should be convincing. Ang konyo ng blog na ‘to di ba? Inexample ito ni Sir nung binato nya yung container ng tic tac sa classmate kong si Fatima. Sinalo ito ni Fatima. Yung sunod na pagbato sinabihan ni Sir si Fatima na saluhin yung tic tac. Dun sa sunod na bato hindi talaga binato ni Sir yung tic tac pero naniwala si Fatima na ibabato nga ni Sir yun dahil sa naunang experience ni Fatima kaya napasalo siya. Nung last na “kunwaring” pagbato ni Sir hindi na masyado naniwala si Fatima kaya hindi na siya na napasalo masyado (pero ang effective pa rin ng acting ni Sir). Ang ibig sabihin lang nito, effective ang isang acting kung experience-based. Dapat lang damdamin o mag-internalize tungkol sa isang certain event sa buhay at saka siya i-arte. Kasi kagaya nga ng una kong nasabi, based sa real events of life dapat ang pag-arte. Well, ang saya saya talaga mag-Theater.

November 24, 2010, 10:40pm
Nakakapagod kapag Wednesday
            Nakakapagod kapag Wednesday! Isang subject (Theater 12) lang naman ang class ko pero sobrang nakaka-exhaust! Para akong ginahasa. Lantang gulay na lang akong aarrive sa tambayan tapos wala pang utral. Ano ba yun?
            Sobrang pagoda! Grabe, di ako nakasakay agad ng Katip na jeep. Nagpahinga muna ako sa tambayan kahit mag-isa lang ako dun. Baliw-baliwan school of acting ba… Shet baka magalit si Sir Dex ginagago ko ang Theater. It’s something to be taken seriously.
            E ayon. Yun lang naman. Gusto ko lang i-expess at i-articulate na sa three weeks mula nang magsimula ang klase napansin kong nakakapagod ang Wednesday class. Pero sobrang enjoy ang mga games sa class. Ang chill. Okay talaga itong class na ito. Pang-get away sa kaseryosohan ng ibang subjects lalo na ang majors (Yung quali pamatay!)


December 14, 2010, 10:25pm
Specification
            Work for specifics.”

            Ito ang laging sambit ni Sir Dex sa aming mga improvisation workshops at theater games. Pero kung iisipin mo, ang amazing at nakakatuwa din when you really work on specifics. It’s just an amusing thought. Wala lang. Di ba, parang, “Huh? Naisip mo yun? Ang kulet!”
            Isang beses ginawa namin itong exercise kung saan nag-tableau kami. Yung pinipiling winning group ni Sir or yung nagtamo ng puntos ay yung group na nakakatuwa, nakakaaliw yung details.
            Pero if you dig deeper, it talks about characterizing a specific idea, scene, event, or object in order to visualize it lalo na kung hindi naman visibly present yung idea, scene, event, or object na yun. Dapat talaga observant ka at ma-“detalye” nga. Minsan yung maliliit na detalye ng buhay ay yung mga precious things that we should keep. Di ba nga, ang proverb na “maliit man ay nakakapuwing”? Dahil every small details in life catches our attention. Yes, me ganon.

December 14, 2010, 10:00pm
Bagong baunan
            Hello hello! Gusto ko ng bagong baunan! Lunchbox at lagayan ng tubig sa Lock&Lock. E kasi ang cute ng baunan don e. May ganon akong baunan dati ewan ko kung bakit nawala. Yung lunchbox ay P149.75 at yung water container/jug ay P259.75 (kung 500ml) at 279.75 (kung 700ml. Or 800ml ba yun? Hindi ko na maalala). Roughly makaka- P450.00 ako or less. Sana mabili ko na para makatipid naman ako di ba? Saka in preparation na rin sa Live A.I.D.S. Iba rin kasi pag Live A.I.D.S., medyo madaming gastos. Para katulad na lang nung last (actually, first) Live A.I.D.S. namin na nagbabaon talaga ako. Malaki ang natitipid. Aside from that, malakas din ako sa tubig at inumin (nakalalasing man o hindi. CHAROS!) kaya kailangan talaga ng baunan para imba!
            O sige na dear blog, inaantok na ko. Mag-aaral pa ko e. Di ka naman ma-upload upload sa internet, sa Microsoft Word ka na lang lagi nakapost. Haha.

December 14, 2010, 10:31pm
Brain Drain
            Wala akong maisulat (na) ngayon. Sayang, sinisipag pa naman ako magsulat pero wala akong masulat. Natuyo na. Maglilipat na lang ako ng notes. Nakakasipag magsulat ngayon. Sana kahit paganito ganito lang ako, maging magaling din ako sa pagsusulat gaya ng ibang Filipino writers. Tapos wala naman akong kilalang Filipinong manunulat di ba? Asa pa. Nakakabwiset yung pag-aauto-correct nitong Microsoft Word 2010. Sino ka ba para i-correct ako??

December 14, 2010, 10:34pm
            “Start strong, end strong”
            Nakita ko lang ang note na ito sa notebook ni Berna.
Ito siguro ang sikreto sa malupit na pagsusulat.

No comments:

Post a Comment