Wednesday, October 5, 2011

Patungkol sa Wika

Dumating ako sa bahay kagabi ng mga alas siete o alas otso. Naabutan ko pa ang balita. Pinapalabas si Lito Lapid, pero hindi dahil sa bago niyang proyekto a.k.a. pelikula kundi tungkol sa panig niya tungkol sa pagpasa ng Reproductive Health (RH) Bill.

Kontrobersyal si Lito Lapid bilang tulad nila Bong Revilla, Jinggoy Estrada at kung sinu-sino pang action star-turned politician o artista-turned politician, isa din siya. Pero mas kontrobersyal at mas kinikritiko siya dahil senador siya pero hindi siya marunong mag-ingles. Ito kasi ang premyo na natatamasa natin dahil sa demokrasya. Kahit sino pwedeng tumakbo sa posisyon kahit hindi edukado o hindi kasing husay ng iba niyang kakumpetensya basta nasa akmang edad.

Pero ano naman kung hindi siya marunong mag-ingles? Di ba dapat mag-tagalog lahat ng nasa kongreso (mababang kapulungan  a.k.a. kongreso ulit at mataas na kapulungan a.k.a. senado)? Bakit hindi tayo managalog lahat? Bakit hindi natin isulat ang konstitusyon ng Pilipinas sa Filipino? Ano 'to, tinatamad lang ba tayo? Masyado tayong umaasa sa wikang English. Kaya di tayo umuunlad e. Alam ko karamihan ng aking mga isinusulat dito ay sa wikang nabanggit pero mas kumportable kasi ako ipahayag ang damdamin ko sa wikang iyon e. Hindi naman ibig sabihin noon na "trying hard" ako sa pagmamahal sa sarili nating wika o mas pinapaboran ko ang wikang kolonyal (oo, kolonyal yun!).

Pero sana katulad tayo ng ibang bansa sa Asya tulad ng Korea at Japan na nahasa munang mabuti ang paggamit ng sarili nilang wika para maging maunlad din tayo tulad nila. Natutunan ko ito sa Lingg 1 e.

Kung mas natutunan natin lahat ng bagay sa sarili nating wika, hindi yung halo (Taglish, Enggalog, etc.), siguro mas matatalino tayo.

Ayon sa isang kahulugan na natutunan ko mula sa dati kong propesor sa Adamson, ang wika ay "isang "social vehicle" na ginagamit sa komunikasyon.

Siguro problema pa rin ang namumuong tunggalian sa pagitan ng wikang Cebuano at Tagalog kaya problemado tayo. Di naman iba sa atin na kahawig lang ng Tagalog and Filipino bukod sa katangian nito tulad ng panghihiram at pagkupkop ng mga wikang banyaga (mas maraming English)

No comments:

Post a Comment