Thursday, February 14, 2013

Pre-valentine Kabitteran


Habang pauwi ako kanina pagkatapos ihatid sa Marikina ang thesis partner kong si Mia, may na-ispatan akong isang babae at isang lalaki sa may Sta. Lucia. Nakaupo sila sa may plant box sa tapat ng MMDA footbridge na kulay green. Magkadikit ang kanilang mga hita habang si lalaki ay may hawak na isang pirasong rosas, nakabalot pa sa wrapper na gamit din sa plastic cover. "Ang aga naman para sa Valentine's" sabi ko sa sarili ko. "Ilang minuto pa e". Napangiti na lang ako.

Pagkalagpas ko ng kaunti, nakita ko naman ang magjowang tomboy. Sweet na sweet silang naghaharutan, magkahawak pa ng kamay. Napaisip ako. "Talamak na talamak a". Ganoon ba talaga kapag bisperas ng araw ng mga puso? S-e-g-e.

Noong mag-aabang na ako ng jeep pa-Cainta, nagutom ako bigla. Sige, kain muna akong Angel's Burger. Pagtawid ko, may magjowang heterosekswal na naman. At talagang pinuputakte ako ng mga magjojowa a. Sabi na nga ba, dapat hindi na ko lumabas ng bahay.

Hanggang sa pagsakay ko sa jeep, katapat ko mag-jowa din. Tapos pinapatugtog pa oldies na love song sa stereo ni manong.

Talaga namang patok na patok ang Valentine's ngayong taon ha.

2 comments:

  1. your blog should be under the genre "humor". it's so funny (in a good way) :)

    ReplyDelete
  2. Really? I did not intend to be humorous while writing this one though. This was the emotion I felt during the eve of valentine's day.

    ReplyDelete