Pam-painspire magsulat ng thesis. Oo, hanggang ngayon hindi pa din ako nakakapagpasa. Sana talaga ma-inspire ako at matapos ko na. Pero alam mo namang ikaw lang ang inspirasyon ko. Ano man ang sabihin nila sa'yo, you're still you.
Sobrang hirap pala maghintay
Isa sa mga pinakamasakit na bagay gawin
Ang pinakamasakit sa lahat, ang maghintay at umasa sa imposible
Kumbaga, naniniwala lang ang utak mo na meron, maaaring meron
Pero walang kasiguraduhan
Mahirap, masakit
Para mong pinaparusahan ang sarili
Kahit hindi naman deserve ng sarili mo
Ang pag-ibig ay pagpepenitensya
Ito ay pagpaparusa sa kunwari ay mga kasalanang nagawa
Pag-ibig = Kasalanan?
Siguro ang magmahal sa maling tao at maling panahon
Pero ano ba ang umibig?
Hindi ko alam
Hindi ko pa naman nararanasan na ibigin ng taong iniibig ko din
Laging linear, laging one-way
Palaging walang reciprocation
Ngunit sa huli, iibig pa din tayo
Gaano man masaktan, gaano man mapahiya, gaano man katagal maghintay
Bitter sweet ika nga
Positibo lang dapat ang epekto lagi ng love
Umibig lang ng umibig kahit masaktan.
No comments:
Post a Comment