Babalik ako sa pagtakbo
Baka sakaling maibsan nito
Ang paghihirap na nadarama ko
Sa mga pagkakataong hindi ako at siya ang kasama mo
Ang sakit ng katotohanan
Na hindi mo siya kayang iwan
Samantalang ako'y kaya mong pabayaan
Nang basta basta na lang
Ano ba naman ang laban ko?
Nauna siya sa'yo
Pero sana maisip mo
Na mas mahal kita ng totoo
Di kita pababayaan, di kita iiwan
Di kita ipagpapalit kaninuman
Alam kong gasgas man
Ang mga salita ko'y makatotohanan
Sa bawat hakbang palayo
Sa bawat hiningang hinahabol sa pagkahapo
Ang malinaw na alaala mo
Habang buhay ko ipakatatago
No comments:
Post a Comment