Totoo pala yung sinasabi nilang mahirap maghintay. Sa pag-ibig at least. Matiyaga kasi akong tao (I'd like to believe). Sa pila, sa paglabas ng resulta ng grades, sa pag-aaral ng tabs sa gitara, etc.
Pero damn, di ko inexpect na ganito pala kahirap kapag yung taong mahal mo yung hinihintay mo. Totoo nga yung sinasabi ni Popoy. Para kang tanga at balisa. Naghihintay sa text nya. Silip ka nang silip sa phone mo pero hindi naman darating yung text na gusto mong dumating.
Malapit na kong lumutin sa paghihintay. Nakakapagod din pala. Kaso, hindi ako yung tipong basta basta sumusuko. Hangga't may nakikita akong pag-asa, tuloy pa.
Sana, sana, sana... Konting kapit pa.
Kailan nga ba?
P.S.
Di ako magaling mag-gitara ha.
No comments:
Post a Comment